Kasabay ng ika-apat na anibersaryo ng paghagupit ng super typhoon Yolanda, ngayong araw, isinusulong ni Senador Sonny Angara ang panukalang batas na ideklara ang ika-walo ng Nobyembre bilang “Day of Commemoration.”
Sa ilalim ng Senate Bill 1596, idineklarang special non-working public holiday ang November 8 sa Eastern Visayas para sa Yolanda commemoration day.
Oras na aprubahan, walang klase at pasok sa mga tanggapan sa Tacloban City, mga lalawigan ng Leyte, Southern Leyte, Northern Samar, Eastern Samar at Biliran tuwing Nobyembre a-otso.
Ito’y bilang pag-alala sa mga biktima ng naturang kalamidad at parangal sa mga tumulong sa recovery at rehabilitation.