Suspendido pa rin ang klase sa Cagayan ngayong araw na ito dahil sa pagbahang nararanasan sa lalawigan.
Sinabi ni Cagayan Governor Manuel Mamba na bagamat tumigil na ang pag-ulan kahapon mabagal pa rin ang pagbaba ng tubig sa Cagayan River kaya’t baha pa rin ang maraming bayan.
Isa na ang naitalang patay sa pagbaha at isa naman ang nawawala mula sa bayan ng Sta. Ana.
Naisailalim na sa state of calamity ang Cagayan dahil sa matinding pinsalang idinulot ng pagbaha na nakaapekto sa mahigit 50,000 katao o halos 10,000 pamilya.
—-