Idineklara ng Pangulong Rodrigo Duterte na special non-working day sa Tacloban City ngayong Miyerkules, Nobyembre 8.
Ito ay kaugnay sa paggunita sa ika-apat na anibersaryo ng super typhoon Yolanda.
Magugunitang mahigit 6,000 katao ang nasawi sa pananalasa ng bagyong Yolanda.
Samantalang 1,000 katao ang nawawala pa at mahigit 30,000 ang nasugatan.