Libu-libo katao ang nagprotesta sa mga kalsada sa Brazil upang ipanawagan ang pagpapa-impeach sa kanilang Pangulong si Dilma Rousseff.
Ayon sa mga galit nang mamamayan ng Brazil, bigo ang kanilang Pangulo na pigilan ang korupsyon sa gobyerno at siya rin ang sinisisi sa pinakamalalang pagbagsak ng kanilang ekonomiya sa loob ng 25 taon.
Nagtipon-tipon ang mga raliyista sa Copacabana Beach sa Rio de Janeiro maging sa laban ng kanilang kongreso.
Tinatayang nasa 137,000 pulis ang ipinakalat ng gobyerno ng Brazil upang tiyakin ang kaayusan sa lugar sa kabila ng mga nagaganap na demonstrasyon.
Si Rousseff ay kulang kulang isang taon na lang sa ikalawa niyang termino bilang Pangulo.
By Ralph Obina
Photo grabbed from: BBC News