Laya na ang negosyanteng si Kenneth Dong, isa sa mga isinasangkot sa pagpupuslit ng 6.4 billion-peso shabu shipment mula China.
Kinumpirma ni Atty. John Ungab, abogado ni Dong, na ibinasura ni Parañaque City Regional Trial Court (RTC) Branch Judge 195 Judge Aida Estrella – Macapagal ang kasong rape laban sa kanyang kliyente.
Ang pagkakabasura sa kaso ay kasunod ng inihaing affidavit of desistance ng complainant.
Hindi naman tinukoy ni Ungab ang dahilan ng pag-atras ng babaeng nagsampa ng kaso laban kay Dong.
Sa kabila nito, hindi pa rin ligtas si Dong sa kasong may kaugnayan sa shabu shipment dahil siya ang nagsilbing middle man ng negosyante ring si Richard Chen, na may-ari ng warehouse sa Valenzuela City na pinaglagakan ng droga.