Itinanggi ni Emeritus Archbishop Oscar Cruz na nalutas na ang problema sa jueteng.
Ayon kay Cruz, dehado sila sa kampanya laban sa sugal dahil mismong ang administrasyon ng Pangulong Noynoy Aquino, ang tila protektor nito.
Bahagi ng panayam kay Archbishop Cruz
Iginiit din ni Cruz, na maliban sa nakakubli sa mga itinuturing na ligal na sugal ang jueteng, marami din pulitiko ang nakikinabang sa pera mula dito, lalo na at papasok nanaman ang panahon ng pangangampanya.
Bahagi ng panayam kay Archbishop Cruz
Medical marijuana
Pinatitiyak ni Cruz sa pamahalaan na hindi maaabuso ang paggamit sa marijuana bilang gamot.
Sa gitna ito ng mga panukala na gawing legal ang paggamit sa medicinal marijuana.
Ayon kay Cruz, nauunawaan ng simbahan ang pangangailangan para dito, at ang pangamba lamang nila ay ang mapasama ang pagsasaligal sa paggamit nito, lalo na at maraming plantasyon ng marijuana, dito sa bansa.
Ang tinig ni Archbishop Cruz sa panayam ng DWIZ
Inclusive growth
Samantala, nakiusap naman si Cruz sa mga susunod na mahahalal na lider ng bansa na tiyaking makakasama sa kanilang programa ang mga maralita.
Iginiit ni Cruz na bagamat palaging ipinapangako ang pagkakaroon ng programa para sa mahihirap hindi naman ito nararamdaman ng mga kinauukulan.
Ayon kay Cruz, wala din saysay ang ipinagmamalaking lumalagong ekonomiya, dahil iilan lamang ang nakararamdam dito.
Bahagi ng panayam kay Archbishop Cruz
By Katrina Valle | Karambola