Nasabat ngayon ng mga awtoridad ang may 12 toneladang cocaine sa Colombia.
Ayon sa ulat, natagpuan ang naturang mga cocaine na nakabaon sa apat na banana plantation na siyang ginagamit na paraan upang maipuslit sa Estados Unidos ang naturang mga kontrabando.
Apat katao ang naaresto ng Colombian police at aabot sa 360 million dollars ang halaga ng mga nasabat na cocaine.
Natukoy ng pulisya na pagmamay-ari ng isang Dairo Usuga ang naturang mga droga na siyang lider Gulf Clan, isa sa pinaka-notorious na criminal organization sa Colombia.
—-