Nangangailangan ng maraming dugo ang La Luna Sangre lead stars na sina Kathryn Bernado at Daniel Padilla.
Ngunit sa pagkakataong ito ay walang kinalaman dito ang karakter ng KathNiel bilang mga bampira at lobo sa kanilang teleserye.
Ito ay bahagi ng adbokasiya ng KathNiel, ang pangangalap ng mas maraming dugo para sa mga taong nangangailangan.
Hinimok ng dalawa ang mga nais mag-donate ng dugo na maaaring magtungo sa mga tanggapan Red Cross.
Paliwanag nina Daniel, kinukulang na ng dugo ang ating blood bank kaya’t hinihikayat nila ang mga kapwa Pilipino partikular ang mga kabataan na mag-donate.
Lalo’t hindi naman anila masakit ang prosesong ito bukod pa sa marami ang maaaring matulungan.