Magkakaroon ng 34 sentimos kada kilowatt hour na dagdag singil sa konsumo ng kuryente ang Meralco ngayong buwan.
Batay sa abiso ng Meralco, ang nasabing karagdagang singil ay bunga ng pagtaas ng generation charge.
Dahil dito, ang mga kumokonsumo ng 200-kilowatt hour kada buwan ay magkakaroon ng P68.72 na dagdag singil sa kanilang bayarin.
P103.08 naman sa mga kumokonsumo ng 300-kilowatt hour kada buwan at P137.44 para sa mga kumokonsumo ng 400-kilowatt hour kada buwan.
Habang P172.79 ang dagdag kapag kumokonsumo ng 500-kilowatt hour kada buwan.