Umapela na sa Department of Transportation ang motorcycle-app na Angkas na payagan ang mga two-wheeled vehicle na mag-operate.
Ito ang hirit ng Angkas kay Transportation Secretary Arthur Tugade makaraang ipag-utos ang pagpapatigil sa kanilang operasyon.
Ayon sa Angkas, dapat ikunsidera ang pag-amyenda sa Department Order 2015-11 upang payagan ang mga two-wheeled vehicles sa ilalim ng Transport Network Vehicle Service category at mapasailalim sa huridiksyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board.
Umaasa ang nabanggit na motorcycle app na ma-i-professionalize ang kanilang sector gaya ng Grab at Uber.
Magugunitang ipinasara ng Makati City Office of the Mayor ang tanggapan ng Angkas sa Chino Roces Avenue Extension dahil sa pag-o-operate nang walang business permit.