Aabot sa 23 araw kada taon ang haba ng oras na inilalaan ng mga motorista sa masikip na daloy ng trapiko at paghahanap ng parking space sa Metro Manila.
Batay ito sa pag-aaral ng Boston Consulting Group sa tulong ng ride-sharing service na Uber-Southeast Asia.
Ayon sa Boston Consulting Group, aabot sa mahigit 100,000 Piso ang nasasayang ng bawat motorista kada taon dahil sa traffic congestion at paghahanap ng parking space sa Metro Manila.
Lumalabas din na 2.3 milyon na ang pribadong sasakyan sa Metro Manila gayong 1.5 milyon lamang ang kapasidad ng mga kalsada sa National Capital Region.
Sakaling lumala ang problema sa traffic, posibleng umabot sa 6 billion Pesos ang mawawala sa productivity ng ekonomiya kada araw pagdating ng taong 2030, batay naman sa pag-aaral ng Japan Economic Cooperation Agreement.
Dahil dito, nanawagan ang Uber sa A.S.E.A.N. na kailangan na ng kooperasyon sa pagitan ng gobyerno at pribadong sektor upang maresolba ang bumibigat na daloy ng trapiko hindi lamang sa Metro Manila kundi sa iba pang lungsod sa Timog-Silangang Asya.