Muling nagpulong sina Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas at Senadora Grace Poe.
Ito ang kinumpirma mismo ni Roxas kung saan kasama pa aniya ni Poe ang asawa nitong si Neil Llamanzares.
Hindi naman binanggit ni Roxas ang naging takbo ng pag-uusap nila ng Senadora ngunit tiyak aniyang masusundan pa ito sa mga susunod na araw.
Bagamat di na nagbigay pa ng detalye ukol sa naturang pulong, sinasabing bahagi pa rin ito ng panliligaw ng Liberal Party upang mapa-oo si Poe na maging Bise Presidente ni Roxas sa 2016 elections.
By Ralph Obina | Jonathan Andal