Binatikos ng iba’t ibang bansa ang ipinasang batas ng constitutional assembly ng Venezuela na nagpaparusa sa mga mamamahayag na lalabag sa ipinatutupad na censorship.
Nakasaad sa nasabing batas na bawal ibalita ang mga may kinalaman sa galit at karahasan sa halip, tanging ang mga balitang nagpapahayag lamang ng kapayapaan, pagkakapantay-pantay at paggalang lamang ang maaaring ilabas sa mga pahayagan, radyo at telebisyon maging sa social media.
Dahil dito, umalma ang mga human rights advocate sa loob at labas ng Venezuela dahil sa paniniwalang tataliwas ito sa diwa ng demokrasya at malayang pamamahayag.
Layunin din umano ng naturang batas ang obligahin ang mga may hawak ng social media accounts na tanggalin ang mga hateful posts gayundin ang pagbuo ng isang komisyon na tututok sa Anti-Hate Law.
—-