Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Vietnamese President Tran Dai Quang na palalayain ng Pilipinas ang sampung mangingisdang Vietnamese na naaresto sa karagatang sakop ng Pilipinas bago matapos ang Nobyembre.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque kasunod ng naging pagpupulong nila President Quang at Pangulong Duterte sa kasagsagan ng APEC Summit sa Da-Nang.
Magugunitang nasamsam sa mga nasabing mangingisda na naaresto sa bahagi ng Tapuyan Island na malapit sa El Nido, Palawan ang 70 piraso ng mga pating na nahuli mula sa naturang karagatan.
Kasunod nito, umaasa ang Pangulo na maisasaaayos ng Pilipinas at Vietnam ang hindi nito pagkakaunawaan sa China hinggil sa mga pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.
—-