Ipagbabawal na ang pagtitinda ng sigarilyo sa Vatican simula sa susunod na taon.
Ito ay alinsunod sa ipinalabas na kautusuan ni Pope Francis.
Ayon kay Vatican Spokesman Greg Burke, hindi na nais pa ng Santo Papa na makadagdag sa pagkasira ng kalusugan ng mga tao dahil sa pinapayagan ang pagbebenta ng mga sigarilyo sa duty free shop sa lungsod.
Dagdag ni Burke, bagama’t aminado si Pope na magiging isang sakripisyo sa kita ng Vatican City ang pagbawal sa pagtintinda ng mga sigarilyo ay iginiit nitong mas mahalagang gawin ang tama.
Nabatid na mas murang ibinebenta ang sigarilyo sa Vatican kumpara sa Italya dahil sa mas mataas na buwis na ipinapataw rito kaya’t mas marami ang nagpapabili nito sa lungsod.
—-