Nag-ikot ngayong araw si dating Pangulo ngayo’y Manila Mayor Joseph Estrada sa Pandacan oil depot.
Ito’y bilang panimula sa pagpapaalis sa mga naglalakihang imbakan ng tatlong dambuhalang kumpaniya ng langis.
Unang tiningnan ng alkalde ang ginagawang pagbabaklas ng mga bakal na tangke ng langis sa nasabing imbakan.
Magugunitang nagsumite na ang big three oil companies ng kanilang removal and relocation plan batay sa atas ng Manila RTC Branch 29 bilang tugon naman sa naging desisyon ng Korte Suprema.
Sinabi pa ni Mayor Erap, pangungunahan ng itinatag na technical compliance and monitoring group ang review sa isinumiteng plano para makapaglatag ng kaukulang rekomendasyon.
Batay sa kautusan ng High Tribunal, mayroon hanggang katapusan ng Enero sa susunod na taon ang mga kumpaniya ng langis na bakantehin ang Pandacan oil depot.
By Jaymark Dagala | Aya Yupangco (Patrol 5)