Itinalaga ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Transportation o DOTr ang dalawang nagbitiw na opisyal ng Bureau of Customs o BOC.
Si Gerardo Gambala na dating Customs Deputy Commissioner ay itinalagang Director 4 sa Office for Transportation Security.
Samantala, si Milo Maestrecampo naman na nagsilbing Import Assessment Services Director ng Customs ay itinalaga namang Assistant Director General II ng CAAP o Civil Aviation Authority of the Philippines.
Magugunitang sina Gambala at Mastrecampo ay nagbitiw dahil sa kontrobersya sa pagkakasangkit sa mahigit 6 bilyong pisong halaga ng shabu na galing sa China at nakapuslit sa Customs.
Dalawang dating opisyal ng Bureau of Customs, itinalaga ni Pangulong Duterte sa Department of Transportation o DOTr | via @jopel17 pic.twitter.com/UuGPpTgJMx
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) November 10, 2017
(Ulat ni Jopel Pelenio)