Pinayagan ng Sandiganbayan si dating Senador Jinggoy Estrada na makapag biyahe sa Singapore kasama ang amang si dating Pangulong Joseph Erap Estrada para sa isang medical check up.
Batay sa desisyon ng Sandiganbayan 5th division uubrang mag biyahe pa Singapore si Jinggoy mula ngayong araw na ito, November 11 hanggang 20.
Binigyang diin ng anti graft court ang karapatang mag biyahe ni Jinggoy na kinontra naman ng prosecution matapos tawaging flight risk ang dating Senador.