Ipinabaklas na ng PCOO o Presidential Communications Operations Office ang mga tarpaulin o billboard na makikita sa Roxas Blvd na may maling spelling ng Philippines
Kasunod ito nang pag viral sa social media ng mga nasabing tarpaulin na may nakasulat na welcome to the Philppines kung saan kulang ng letrang I ang spelling ng Philippines.
Sinabi ni PCOO Assistant Secretary Kristian Ablan na hindi aprubado ng National Coordinating Committee ang mga naturang tarpaulin na nakita sa mga lugar patungong MOA Complex.
Umamin na aniya ang DILG-NCR na ito ang nagpalabas at nagpaskil ng mga naturang tarpaulin.