Nailigtas ng mga awtoridad ang apat na Vietnamese nationals na dinukot ng mga bandido sa Tawi-Tawi noong Pebrero.
Kinilala ni Western Mindanao Command Spokesperson Captain Jo Ann Petinglay ang mga biktima na sina Buy Xuan Vien, Bui Trung Duc, Nguten Quang Huy at Nguyin Huu Trong.
Na-rescue ang mga Vietnamese nationals sa pamamagitan ng isang special military operation na isinagawa ng naval forces Western Mindanao at Joint Task Force Tawi-Tawi.
Gayunman isa pang Vietnamese national na nakilalang si Hu Trung ay natagpuang patay ng mga sundalo matapos itong magkasakit.
Samantala pito pang dayuhan at siyam na Pilipino ang nananatiling hawak ng Abu Sayyaf.
—-