Pinaka-pinagkakatiwalaang Presidente sa apat na huling mga naging Pangulo ng bansa si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa Pulse Asia survey hanggang September 2017, nakuha ni Pangulong Duterte ang 80 percent na trust at approval rating na mas mataas sa anumang nakuhang rating nina dating Pangulong Joseph Estrada, Gloria Macapagal Arroyo at Noynoy Aquino.
Matatandaang nakakuha ang Pangulo ng average performance approval rating na 81.8 percent sa pagitan ng september 2016 at September 2017 habang nasa 82.8 percent ang nakuhang average trust rating nito sa pagitan ng July 2016 hanggang September 2017.
Ikinalugod naman ng Malacañang ang resulta ng pinakabagong Pulse Asia survey kung saan sinabing si Pangulong Rodrigo Duterte ang pinaka-pinagkakatiwalang presidente sa apat na huling pangulong nanungkulan sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, may kababaang loob na tinanggap ni Pangulong Duterte ang ibinigay na pagpapahalaga ng publiko sa kaniya sa kabila ng mga natatanggap na batikos nito sa war on drugs.
Tiniyak din ni Roque na anuman ang maging resulta ng survey ay patuloy na magtatrabaho ang Pangulo at mga miyembro ng gabinete nito para sa interes at ikabubuti ng mga Pilipino.
Matatandaang, batay sa Pulse Asia survey nakakuha si Pangulong Duterte ng average na 81.8 percent performance approval rating mula September 2016 hanggang 2017 at average na 82.8 percent na average trust rating sa pagitan ng July 2016 hanggang September 2017.
Pinakamataas ito sa anumang rating na nakuha nina dating Pangulong Joseph Estrada, Gloria Macapagal Arroyo at Noynoy Aquino.
–Krista de Dios