Kinumpirma ng Estados Unidos na gawa sa Iran ang ballistic missile na pinalipad ng mga Yemeni-Houthi Rebels upang ibagsak sana sa Riyadh, Saudi Arabia.
Ayon sa US Air Force, may Iranian markings sa Burkan-2 missile indikasyon na sinuplayan ng Iran ng mga armas ang Houthi Islamic Political Party ng Yemen.
Gayunman, palaisipan kung paano nakapagpadala ng mga armas ang Iran sa Yemen gayong may ipinatupad na embargo ang Saudi Arabia.
Nobyembre 4 nang pabagsakin ng Saudi Forces ang missile na babagsak sana sa King Khalid International Airport.
Dahil dito, nagbanta ang Saudi government ng digmaan sa Iran partikular sa mga kaalyado nito sa pangunguna ng Hezbollah Islamic Political Party ng Lebanon.