Ikinasal na ang TV Host Actress na si Anne Curtis at Erwann Eusaff sa Queenstown New Zealand kaninang umaga.
Pinili ng celebrity couple na gawin ito sa isang private garden wedding kung saan mga malalapit na kapamilya at kabibigan lamang nila ang naroon
Suot ni Anne ang wedding gown na ginawa ng sikat na designer na si Monique Lhuiley.
Dumalo rin sa kanilang pag – iisang dibdib ang ilang sikat na artista tulad nila Dra. Vicky at Dr. Hayden Kho kasama ang kanilang celebrity baby na si Scarlet Snow.
Nakumpleto naman ang mga kasamahang hosts ni Anne sa its showtime na sina Vice Ganda , Karylle , Vhong , Kuya Kim at Jugs and Teddy.
Matatandaang hindi masyadong idinetalye nina Anne at Erwann ang kanilang kasal sa publiko at pinili na lamang maging pribado.
Naging magkasintahan ng anim na taon ang dalawa bago ma- engaged nuong December 2016.