Inaasahang matatapos sa Nobyembre ang pagbabaklas sa mga tangke at iba pang istruktura ng tatlong dambuhalang kumpanya ng langis sa oil depot sa Pandacan, Maynila.
Ito ang ginawang paniniyak ng Petron, Pilipinas Shell at Chevron kay Manila Mayor Joseph Estrada matapos ang isinagawang ocular inspection kahapon, Agosto 17.
Kahapon ay personal na sinaksihan nina Estrada at Vice Mayor Isko Moreno ang pagbaklas sa mga water tank, diesel tank, at iba pang mga gamit ng kumpanya ng langis.
Dahil sa pagkawala ng Pandacan oil depot, sa Batangas na manggagaling ang suplay ng Shell na bagama’t magpapataas sa logistical cost, hindi naman ito otomatikong makaaapekto sa presyuhan.
By Meann Tanbio