Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang gala dinner para sa mga pinuno ng ASEAN member countries gayundin ng ASEAN partner countries na kinabibilangan ng mga world leaders.
Mainit na tinanggap ni Pangulong Duterte bilang Chairman ng ASEAN Summit ngayong taon ang mga bisita kabilang na sina US President Donald Trump, Japanese Prime Minister Shinzo Abe, Russian Prime Minister Dimitry Medvedev at Canadian Prime Minister Justin Trudeau.
Personal na sinalubong nila Pangulong Duterte at common law wife nitong si Ms. Honeylet Avanceña ang mga world leaders suot ang barong tagalog kasama ang kani-kanilang mga maybahay.
Sa kaniyang mensahe, inihayag ng Pangulo ang kaniyang pag-asa na magkakaisa ang ASEAN member countries sa iisang layunin para sa pagsusulong ng kapakinabangan ng lahat.
Pangulong Duterte naghandog ng awitin
Naghandog ng awitin si Pangulong Rodrigo Duterte sa gala night ng ASEAN Summit sa SMX Convention Center sa Pasay City kagabi.
Nakipag-duet ang pangulo kay Pilita Corales sa saliw ng awiting “Ikaw” na isa sa mga paborito ng Pangulo.
Batay sa twitter post ni Department of Public Works and Highways o DPWH Undersecretary Karen Jimeno, sinabi ng Pangulo na naghandog siya ng awit bilang tugon na rin sa request sa kaniya ni US President Donald Trump.
#PresidentDuterte sings #Ikaw with #PilitaCorales, upon request of @realDonaldTrump. #Asean2017 pic.twitter.com/VjGCVeOeqG
— Karen Jimeno (@AttyKarenJimeno) November 12, 2017
#PresidentDuterte singing #Ikaw at #asean2017#aseangala @realDonaldTrumppic.twitter.com/x9Gxjmt6Vn
— Karen Jimeno (@AttyKarenJimeno) November 12, 2017
—-