Malaking tulong para sa mga Pinoy ang lalagdaang free trade agreement sa pagitan ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN at Hong Kong Special Administrative Region of China.
Sa ilalim ng nasabing kasunduan, tataas ang investment mula sa Hong Kong at lilikha ng dagdag trabaho.
Pagtitiyak ng ASEAN na makikinabang dito ang nga Pinoy partikular ang mga nasa micro, small and medium enterprises.
Pangatlo sa pinakamalaking export market ang Hong Kong para sa mga produkto ng Pilipinas noong 2016 kung kailan ang halaga ng merchandise export ay umabot sa 6.62 billion dollars.
Umiiral na rin ang free trade agreement sa pagitan ng ASEAN nations, New Zealand, Australia, China, India at Korea.
—-