Inilarga na ng mga kumpanya ng langis ang panibagong price increase sa kanilang mga produkto, ngayong araw.
Epektibo 12:01 kaninang hatinggabi nang ilarga ng Flying V ang dagdag 95 sentimos sa kada litro ng gasolina; 70 sentimos sa diesel habang 95 sa kerosene.
Magpapatupad din ng kahalintulad na price increase ang Petron, Eastern Petroleum, PTT Philippines, Phoenix Petroleum, Unioil Petroleum, Seaoil at Shell, mamayang ala 6:00 ng umaga.
Ito na ang ikalawang sunod na linggong nagpatupad ng price hike ang mga kumpanya ng langis, ngayong Nobyembre lamang.