Isang miyembro ng Civilian Armed Force Geographical Unit o CAFGU ang patay matapos pagbabarilin ng hinihinalang miyembro ng New People’s Army sa Tupi, South Cotabato.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Cipriano Inocencio, 54 anyos na pinagbabaril ng mga nakamotorsiklong salarin sa barangay Palian, kahapon.
Tinamaan sa ulo at katawan ang biktima na bumili lamang ng sigarilyo habang pitong basyo ng bala ng kalibre 45 ang narekober sa crime scene.
Halos 20 taon nang CAFGU si Inocencio na na-destino sa 72nd infantry battalion, golf company sa barangay Kalkam.
Inaalam na kung ano ang motibo sa pamamaslang sa CAFGU member at bineberipika na kung ang NPA o ibang grupo ang nasa likod ng krimen.