Nagsanib-puwersa na ang Pilipinas at China sa pagtatatag ng isang hotline para tumugon sa anumang emergency sa karagatang sakop ng pinagtatalunang West Philippine Sea.
Ito ang inihayag ni Philippine Coast Guard Officer-in-Charge Commodore Joel Garcia kung saan, kapwa na lumagda ng isang kasunduan ang mga tanod baybayin ng dalawang bansa noon pang ika-sampu ng buwang kasalukuyan.
Layon nito ani Garcia na maiwasan ang mga kalituhan sa mga ipinakakalat na barko sa bahagi ng Bajo de Masinloc at iba pang isla ng Spratlys na ang misyon ay magbantay para sa anumang insidente at magsagawa ng rescue.
May kakayahan ang naturang hotline na magsagawa ng video conferencing at tumanggap ng emergency calls sa lahat ng himpilan ng Coast Guard sa kanlurang baybayin ng Pilipinas mula Batanes hanggang Sulu.
—-