Tiniyak ni Russian Prime Minister Dmitry Medvedev na makikipagtulungan sila sa Pilipinas upang matugunan ang pangangailangan nito sa enerhiya.
Ito ang ipinangako ni Medvedev kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kanilang paghaharap sa isang bilateral meeting.
Ayon kay Medvedev, naniniwala siyang sa pamamagitan ng mga nabuong kasunduan sa katatapos lamang na 31st ASEAN Summit.
Mapupunuan anya ang anumang kakulangan ng Pilipinas sa usapin ng enerhiya lalo’t nangunguna sa buong mundo ang Russia pagdating sa sektor ng enerhiya at may malawak na karanasan sa pagresolba ng ibat-ibang uri ng energy-related problems.