Posibleng sa Lunes, August 24 pa umusad ang interpellation kay Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos hinggil sa inakda niyang substitute Bangsamoro Basic Law (BBL).
Tanging si Senador Teofisto Guingona III pa lamang ang naka-schedule na magtanong kay Marcos sa Lunes.
Una rito, hindi natuloy ang interpellation kay Marcos matapos isalang sa plenaryo ang kanyang substitute BBL para bigyan pa ng sapat na panahon ang mga senador na basahin at pag aralan ang panukalang batas.
Ayon kay Senador Francis Escudero, nais muna niyang ikumpara ang substitute BBL sa orihinal na BBL at sa MOA-AD o Memorandum Agreement on Ancestral Domain noong panahon ng Arroyo Administration na ibinasura ng Supreme Court.
Sinabi ni Escudero na sa magiging resulta ng gagawin niyang pagkumpara sa iba’t ibang bersyon ng panukalang batas nya huhugutin ang kanyang mga itatanong sa interpellation period.
By Len Aguirre | Cely Bueno (Patrol 19)