Tila ganap nang nasuyo ng Amerika ang Pilipinas matapos magkalamat ang relasyon ng dalawang bansa dahil sa umano’y pakiki-alam nito sa mga usaping panloob ng bansa.
Ito’y makaraang ihayag ni US President Donald Trump na mas naging maayos na at matatag pa ang relasyon ng Pilipinas at Amerika sa kanilang bilateral meeting ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa isinagawang pananghalian kahapon kaalinsabay ng ASEAN Summit, binigyang diin ni Trump na dapat bigyang halaga ang Pilipinas dahil sa pagiging strategic nito sa aspeto ng defense and security.
Samantala, ibinida rin ni Trump ang kaniyang naging accomplishment sa 12 araw niyang paglilibot sa rehiyon ng Asya kabilang na ang Pilipinas.
Pakingan: Ang tinig ni US President Donald Trump
SMW: RPE