Pinaplantsa na ng ASEAN o Association of Southeast Asian Nations ang isang work plan para labanan ang human trafficking sa rehiyon sa loob ng tatlong taon.
Ito ang kauna-unahang action plan na binalangkas ng ASEAN member countries para labanan ang naturang suliranin kung saan, naitala ang ASEAN bilang rehiyon na may pinakamataas na kaso ng human smuggling.
Nakasaad sa nasabing plano ang pagbibigay proteksyon sa mga biktima, mahigpit na pagpapatupad ng batas at paglilitis sa mga kriminal gayundin ang pagkakaroon ng ugnayan ng mga bansa hindi lamang sa timog silangang Asya kung hindi maging sa international community.
Kabilang din sa laman ng nasabing action plan ang mga resulta ng bawat aktibidad at monitoring sa siyam na sectoral bodies kung saan, nakatutok ito sa tatlong haligi ng plano partikular na sa aspeto ng seguridad, pulitikal, ekonomiya at kultura.
SMW: RPE