Naging maayos at matiwasay ang ikalawang araw ng pagdaraos ng 31st ASEAN o Asssociation of Southeast Asian Nations Summit sa Pasay City, kahapon.
Ayon kay NCRPO Director General Oscar Albalyade, walang anumang na-ireport na mga hindi inaasahang pangayayari sa kanila kasabay ng ASEAN Summit.
Dagdag pa ni Albayalde naging matahimik at mapayapa rin ang pagkilos ng mga militanteng grupo kahapon taliwas noong Lunes.
Hindi na nagpilit pang makalimit ang mga militanteng grupo sa CCP Complex at payapang nagprograma na lamang sa bahagi ng Legarda sa Maynila.