Umapela ng tulong ang ilang nakaligtas sa mapaminsalang lindol na tumama sa border ng Iran at Iraq.
Kwento ni Ali Gulani, 42-anyos isa sa survivor, wala na silang sapat na pagkain at inuming tubig.
Kulang din aniya ang mga tent na maaaring pansamantalang matuluyan ng iba pang survivor sa gitna ng malamig na panahon partikular sa Kermanshah Province.
Gayundin ang hinaing ni Ahoora Niazi na mula sa Kermanshah Province, aniya kulang ang kanilang mga kumot at damit bilang panangga sana sa lalo pang lumalamig na panahon sa kanilang lugar.
Tiniyak naman ni Iranian President Hassan Rouhani na ginagawa nila ang lahat para matugunan ang lahat ng pangangailangan ng mga nakaligtas sa lindol.
—-