Makailang – ulit na pinapurihan ni US President Donald Trump si Pangulong Rodrigo Duterte at ang kanyang kampanya kontra iligal na droga sa kanilang naging pribadong pagpupulong sa bansa sa 31st ASEAN Summit.
Ito ang ipinagmalaki ni Presidential Spokesman Harry Roque matapos aniyang ihayag ni Trump na tama lamang ang ginagawa ni Pangulong Duterte sa kanyang giyera kontra droga.
Sinabi pa ni Roque na walang naging pagpuna si Trump kaugnay sa mga paglabag sa karapatang pantao sa ‘war on drugs’ ng administrasyon, sa kabila ng mga pagbatikos ng human rights advocate sa international community.
Nauna dito, binati ni Trump si Pangulong Duterte sa umano’y “unbelievable job” nito sa problema ng iligal na droga sa Pilipinas.