Magkakaloob ang China ng 150 million renminbi o 1.1 bilyong pisong donasyon para sa rehabilitasyon ng Marawi City.
Ito ang inihayag ni Chinese Premier Li Keqiang sa kanyang pagbisita sa Malacañang upang saksihan kasama si Pangulong Rodrigo Duterte ang palagda sa ilang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Tsina.
Ayon kay Li, kumpiyansa ang Chinese Government na magiging mabilis ang rehabilitasyon ng Marawi sa ilalim ng Duterte administration upang maibalik ang normal na pamumuhay ng mga residenteng naapektuhan ng digmaan.
Suportado rin aniya ng kanilang gobyerno ang hakbang ng Pilipinas laban sa terorismo upang mapanumbalik ang kapayapaan at kaligtasan hindi lamang ng mga Pilipino kundi ng buong Asia-Pacific Region.
Ang nabanggit na halaga na ang pinaka-malaking donasyon ng China para sa rehabilitasyon ng lungsod.
—-