Humingi ng paumanhin sa publiko ang mga organizers ng ASEAN music festival sa biglaang kanselasyon ng naturang event.
Batay sa inilabas na pahayag, sinabi ng mga organizers na isina-alangalang nila ang kapakanan at kaligtasan ng mga manonood lalo’t nagkaroon na ng tulakan at marami na anila sa mga ito ang hinimatay.
Giit ng mga organizers, hindi nila inaasahang daragsa ang may 5000 manunuod sa Ayala Triangles sa Makati City para sa libreng konsyerto at aminado silang hindi ito napaghandaang maigi.
Kasunod nito, nanawagan naman ang OPM artist at vocalist ng bandang Parokya ni Edgar na si Chito Miranda sa mga magkakasa ng kahalintulad na event na huwag maliitin ang mga sumusuporta sa lokal na musika at paghandaan itong maigi upang hindi na maulit pa ang nangyari.