Muling tinanggihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tulong mula sa European Union matapos banggitin nito ang usapin ng human rights sa isinagawang ASEAN Summit sa Pilipinas.
Ito’y makaraang magpahabol pa ng ma-a-anghang na salita ang Pangulo sa kabila ng maayos na pakikitungo nito kay European Union Council President Donald Tusk sa ASEAN – EU Commemorative Summit kamakalawa .
Ayon sa Pangulo, hindi niya kailanman hahayaan ang mga banyaga na maki-alam sa mga usaping panloob ng Pilipinas partikular na sa war on drugs dahil sa ito aniya’y pananagutan niya sa mga Pilipino.
Una nang inihayag ni Tusk ang kahandaang tumulong ng EU sa mga proyekto at programa ng pamahalaaan basta isasa-alangalang lamang ng Pilipinas ang karapatan ng bawat indibiduwal gayundin ang pag-iral ng batas.