Nakapagtala ng mga bagong pagyanig sa Bulkang Kanlaon sa nakalipas na magdamag.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS, 217 pagyanig mula sa Bulkang Kanlaon ang na-monitor nila sa loob ng 24 na oras.
Una nang itinaas ng PHIVOLCS sa alert level 2 ang estado ng Bulkang Kanlaon dahil sa mga abnormalidad.
Taong 2015 pa nang mamataan ng experts sa isang survey ang ground deformation sa nasabing bulkan.
Dahil dito, ipinagbabawal na rin ang paglapit sa Kanlaon lalo na sa four-kilometer radius permanent danger zone.
—-