Isusulong ng Department of Labor and Employment o DOLE na magkaroon ng bilateral agreement sa mga bansang kasapi ng ASEAN o Association of Southeast Asian Nations na lumagda sa kasunduan para sa proteksyon at kapakanan ng mga migrant workers.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ito ang isa sa mga nakikita nyang paraan upang maging binding ang nilagdaang consensus ng mga lider ng ASEAN.
Gayunman, aminado si Bello na mayroon pa ring nangyayaring pang-aabuso sa mga Overseas Filipino Worker o OFW sa mga bansa na mayroong umiiral na bilateral agreement ang Pilipinas tulad ng sa Middle East.
Isa aniya sa kanyang isinusulong ay ang matagal nang kaugalian ng mga employers na pagkumpiska sa pasaporte ng kanilang manggagawa.
(Balitang Todong Lakas Interview)