Tuloy – tuloy ang pag – level up ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach.
Who will wear the crown? The competition starts in less than an hour! #MissUniverse
A post shared by Pia Wurtzbach | Miss Universe (@piawurtzbach) on
Ito ay dahil sa isa na si Pia sa mga magiging judge sa Miss Universe 2017.
Kabilang sa mga makakasama ni Pia sa roster ng judges ang TV personality na si Ross Matthews, Venezuelan – American internet personality Lele Pons, TV host at make – up artist na si Jay Manuel, host Megan Olivi at iba pa.
Samantala, host pa rin ng pageant si Steve Harvey na matatandaang nagkamali sa pag – anunsyo nang nanalo si Pia noong 2015, kung saan sinabi nitong runner up lamang si Pia.
Ang Miss Universe 2017 pageant ay gaganapin sa Las Vegas sa Nobyembre 27 kung saan ang pambato ng Pilipinas si 2017 Binibining Pilipinas Universe Rachel Peters.