Inaalam na ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN Security Taskforce ang pagkakakilanlan ng mga dayuhang sumali sa mga ikinasang kilos protesta sa ginanap na ASEAN Summit sa bansa.
Ayon kay DILG Officer – in – Charge at Chairperson ng ASEAN Committee on Security Catalino Cuy, ipinaubaya na nila sa Philippine National Police o PNP ang susunod na aksyon laban sa mga naturang banyaga.
Binigyang – diin ni Cuy na walang karapatan ang sinumang dayuhan na ilahad ang kanilang saloobin dahil ito ay para sa mga Pilipino lamang.
Nauna rito, nagbabala si Cuy na mahaharap sa deportation ang sinumang banyagang sasali sa anumang kilos protesta sa katatapos na ASEAN Summit.