Kinumpronta ni Senadora Cynthia Villar si DILG Officer – in – Charge Catalino Cuy kaugnay sa pagkakasama ng kanyang kaibigan na Mayor sa narco list at tinanggalan ng police power ng National Police Commission o NAPOLCOM.
Ito ay matapos na dumulog sa senadora ang naturang lokal na opisyal mula sa Mindanao at iginiit na biktima lamang ito ng pamumulitika.
Ayon kay Villar, kilala niya ang nasabing alkalde at batid nito ang kanyang tunay na pagkatao.
Giit pa ng Senadora, hindi dapat agarang isinasapubliko ang pangalan ng mga nasa narco list hangga’t walang sapat na ebidensya laban sa mga ito.
Tumanggi naman si Villar na pangalanan ang nasabing Mayor.