Muling pamumunuan sa ika-sampung taon ni Ginoong Herman Basbaño ang KBP o Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas bilang pangulo nito.
Isinagawa ang KBP National Elections kahapon sa Clark Freeport sa lalawigan ng Pampanga kasabay ng taunang national assembly nito.
Kabilang sa mga nahalal sina Ruperto Nicdao bilang Chairman; Butch Canoy bilang Vice Chairman; Francis Cardona bilang Executive Vice President; Bobby Barrero bilang Vice President for Television habang si Noel Galvez naman bilang Vice President for Radio.
Hinirang naman bilang kalihim si Ginoong Lito Yabut habang treasurer naman si Fr. Manuel Bongayan habang binubuo naman ang board of directors nila Atom Henares, Engr Erwin Galang at George Salabao.
Sa kabuuan mayruong isandaang kumpaniya ng radyo at telebisyon sa buong bansa na miyembro ng KBP kung saan aabot sa 800 ang mga himpilan nito kabilang na ang DWIZ-Aliw Broadcasting Corporation.