Sinampahan ng patum-patong na kaso ng isang grupo ng mga abogado si Senador Antonio Trillanes sa Pasay City Prosecutor’s Office kahapon.
Ito’y ayon sa nasabing grupo ay dahil sa impormasyong ginagapang umano ni Trillanes ang militar para mag-aklas at patayin si Pangulong Rodrigo Duterte.
Mga kasong inciting to sedition, proposal to commit Coup D’etat at paglabag sa anti-graft and corrupt practices act ang isinampa laban sa Senador.
Kabilang sa mga naghain ng kaso sina Atty. Eligio Mallari, Atty. Glen Chong, Atty. Nestor Ifurung, dating Kongresista Jacinto Paras, Eduardo Bringas, Nasser Marohomsalic at negosyanteng si Louis Biraogo.