Binatikos ng isang US Senator si President Donald Trump matapos nito ipagmayabang ang magandang relasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte sa halip na buksan ang usapin sa paglabag sa karapatang pantao at mga kaso pagpatay sa war on drugs.
Ayon kay US Senator Edward Markey, nabigo si Trump na maisulong ang mga kritikal na usapin sa ekonomiya at seguridad sa kanyang limang araw na pagbiyahe sa Asya.
Saad ni Markey, sa halip na tuligsain ni Trump si Pangulong Duterte dahil sa madugong kampanya nito kontra iligal na droga at mga pag-abuso sa karapatang pantao ay ipinagmalaki pa ang magandang relasyon dito.
Nabigo rin aniya si Trump na bumuo ng isang trilateral unity sa Japan at South Korea para matugunan ang banta ng North Korea na bumuo ng nuclear weapon.
Kinalampag din ni Markey ang China sa pagpapalawak ng mga inaangking teritoryo sa South China Sea.