Inihahanda na ng DOH o Department of Health ang pagbili ng 200 milyong Pisong halaga ng mga bagong contraceptives.
Kasunod ito ng otomatikong pagkakatanggal sa TRO o Temporary Restraining Order na ipinataw ng Korte Suprema laban sa RH Law o Reproductive Health Law.
Ayon kay Commission on Population Executive Director Juan Antonio Perez, kakailanganin ng pamahalaan ang bumili ng mga karagdagang contraceptives para matugunan ang kakulangan sa suplay at inaasahang pagtaas sa demand nito.
Saad ni Perez kukunin sa 2017 budget ng DOH sa Reproductive Health Program kakailanganing 200 milyong Piso para sa mga karagdagang contraceptives.
Kasabay nito, puspusan na rin ang pagpapamahagi sa mahigit 260,000 contraceptives na ilang taong natengga at nakatakda nang mapaso sa susunod na taon.