Aminado si national coach Chot Reyes na hirap siya sa pagpili ng mga isasabak sa world cup qualifying match kontra Japan sa Nobyembre24.
Ayon kay Reyes, isa sa mga dahilan ay ang tatlong araw na hindi pagsama sa ensayo ni naturalized Andray Blatche.
Maliban dito, malaking problema din para kay Reyes ang pagkawala ni Terrence Romeo na kasalukuyang nagpapagaling sa kanyang injury sa tuhod.
Sa kabila nito, kuntento naman si Reyes sa ipinapakitang performance ng mga manlalaro batay sa kanilang mga training.