Minaliit ng Armed Forces of the Philippines o AFP ang pagiging aktibo na naman ng Abu Sayyaf.
Ayon kay AFP Public Affairs Chief Colonel Edgard Arevalo, nagpapakitang gilas lamang ang ang Abu Sayyaf upang ipakita sa kanilang mga supporters at sympathizers na kaya pa nilang lumaban ng sabayan sa pamahalaan.
Inihayag ito ni Arevalo matapos mapatay ang anim na sundalo sa engkuwentro sa Abu Sayyaf sa Basilan at pangingidnap ng mga bandido sa anim na residente sa Sulu.
Iginiit ni Arevalo na wala nang lakas ang Abu Sayyaf dahil marami na sa kanila ang sumuko at napatay sa nagpapatuloy na military operations.